Ito’y makaraang magkamali ng pinadalhang Viber group si PCFI President at 1-PACMAN Rep. Mikee Romero para ianunsyo na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang iboboto ng grupo bilang speaker.
Ayon kay Defensor, nasa proseso pa ng pagdedesisyon ang grupo kaya kung nais ni Romero na maging solido ang bloc voting ay dapat manatili itong neutral.
Malinaw na aniya ngayon kung sino ang sinusuportahan ni Romero lalo’t hindi lamang si Defensor ang nakabasa ng naturang mensahe kundi maging ang ibang miyembro ng koalisyon.
Sa kabila nito, hindi nag-aalala ang incoming congressman dahil may kaniya-kaniya namang pang-unawa ang mga miyembro at nagpapatuloy pa ang deliberasyon.
Sa darating na Miyerkules ay muling magpupulong ang PCFI members sa Quezon City upang ipagpatuloy ang selection process hinggil sa susuportahan sa speakership.