19 na flights naapektuhan sa panibagong red lightning alert sa NAIA kahapon

Umabot sa 19 flights ang na-delay sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) dahil sa panibagong red lightning alert kahapon, June 16.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), kinailangan na suspindihin nila ang ramp movement ng mga eroplano maging ng mga airport personnel dahil sa inisyung alerto.

Agad namang naibaba sa yellow ang lightning alert bago inalis bandang alas-4:00 ng hapon.

Ang red lightning advisory ay inilalabas bilang safety measure para maiwasan ang aksidente at matiyak na ligtas hindi lamang ang flight operations kundi maging ang mga pasahero at tauhan ng paliparan.

Read more...