Dating aktres, beauty queen Alma Concepcion pambato ng bansa sa Mrs. Grand Universe

Balik sa international beauty pageant ang dating aktres na si Alma Concepcion.

Si Concepcion ang kakatawan sa Pilipinas sa Mrs. Grand Universe na gaganapin dito sa bansa sa Setyembre.

Ayon kay Concepcion na Bb. Pilipinas International titleholder noong 1994, excited siyang muling sumabak sa beauty pageant.

Noong Miss International 1994 na ginanap sa Tokyo, Japan ay naiuwi ni Concepcion ang Miss Friendship award at nagtapos sa top 15.

Aabot sa 45 kandidata mula sa iba’t ibang mga bansa ang kalahok sa Mrs. Grand Universe.

Mayroong tatlong kategorya ang pageant kabilang ang:

– Ms. Grand Universe na para sa mga 25 to 45 years old na single moms, divorced o walang anak
– Mrs. Grand Univers na para sa mga married women, edad 25 to 45 years old
– at Classic Grand Universe na para sa mga edad 46 pataas.

Read more...