Sa panayam ng Radyo Inquirer kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr., sinabi nitong patuloy sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat dam at malapit nang maabot ang critical level nito for domestic use.
Ang mga pag-ulan na nararanasan kasi aniya nitong nagdaang mga araw ay hindi umaabot sa water shed ng Angat Dam.
Sinabi ni David na kung magpapatuloy ang kasalukuyang sitwasyon na walang pag-ulan na mararanasan sa bahagi ng Angat dam ay aabot pa sa 160-meter level ang antas ng tubig sa naturang dam sa susunod na 4 na araw.
Ang 160-meter level ang itinuturing na critical level for domestic supply.
Hindi rin isinasantabi ng NWRB ang posibilidad na na maulit ang nangyari noong taong 2010 kung saan umabot pa sa 157 meters ang water level sa Angat dam.