2 suspek sa pananambang sa piskal sa Oriental Mindoro patay sa engkwentro sa mga pulis

Patay ang dalawang suspek sa pananambang sa babaeng piskal sa Calapan, Oriental Mindoro.

Nasawi ang dalawang suspek sa engkwentro sa mga pulis, Lunes (June 17) ng umaga.

Ang dalawang suspek ang namaril kay Prosecutor Josephine Olivar habang sakay ito ng kaniyang sasakyan noong June 10.

Nagtamo ng tama ng bala ng sa ulo at katawan si Olivar pero nakaligtas ito sa insidente.

Sa follow up operation, natunton ng mga otoridad ang kinaroroonan ng dalawang suspel sa Barangay Sapul.

Nang dumating sa lugar ang mga pulis ay pinaputukan sila ng suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad na ikinasawi ng dalawang salarin.

Read more...