Nauna nang sinabi ng PAGASA na sakaling hindi sapat ang mga pag-ulan ay posibleng maabot na ng Angat Dam ang 160-meter critical level for domestic water supply.
Nasa 162.78 meters ang antas ng tubig sa Dam hanggang kahapon.
Ayon sa Manila Water, kapag nagpatuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat at Ipo Dams, kailangang magpatupad ng contingency measures kabilang ang rotational water service interruptions sa kabuuan ng East Zone.
Layon nitong mapagkasya ang suplay ng tubig para lahat ng kanilang customers.
Maaayos naman umano ang sitwasyon sakaling may sapat nang ulan para mapuno ang mga dam.