Albayalde: PNP naka-focus na sa SONA

INQUIRER PHOTO/ JAM STA ROSA

Matapos ang May 13 midterm elections, inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na nakatuon na ang kanilang atensyon sa magaganap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, inilalatag na ang security preparations upang matiyak na magiging mayapapa ang ikaapat na SONA ng pangulo.

“Our focus now is the conduct of the SONA this upcoming July,” ani Albayalde.

Ayon sa PNP Chief, kabilang sa paghahanda ay ang ginagawang kompetisyon para sa civil disturbance management units upang mahasa ang kanilang pagharap sa mga demonstrador.

“Our focus now is the conduct of SONA this upcoming July that’s why last weekend, we held a competition to prepare our civil disturbance management (CDM) [contingents] and we have invited the AFP here,” ayon kay Albayalde.

Sinabi naman ni Albayalde na simula nang maupo sa pwesto si Duterte ay wala namang violent dispersal na naganap sa kasagsagan ng SONA.

Samantala, papayagan ang pro at anti-Duterte rallyists na magsagawa ng demonstrasyon at tiniyak na igagalang ang kanilang mga karapang pantao.

Pero payo ni Albayalde, dapat isagawa nang maayos at payapa ang mga pagkilos upang maiwasan ang anumang untoward incident.

Read more...