Ayon kay Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) chief of staff Lt. Col. Renante Lamboj, nakatanggap sila ng impormasyon na isang police colonel ang nakikinabang sa illegal drug trade.
Hindi pa naman pinangalanan ni Lambojo ang nasabing police official.
Nasa 763 o 36 percent ng kabuuang bilang ang inaakusahan ng robbery o extortion habang ang natitira ay iniimbestigahan dahil sa iligal na droga, kidnapping, illegal gambling at iba pang gawain.
Karamihan umano sa mga pulis ay mula sa Metro Manila.
Nauna nang nakilala ang IMEG bilang Counter-Intelligence Task Force na ngayon ay ginawang national support unit para masipa sa serbisyo ang mga police scalawags.
Samantala, sinabi ni Lambojo na umabot na sa 106 police officers kabilang ang pitong opisyal at 194 silbilyan ang naaresto ng IMEG dahil sa mga paglabag.
Animnapu’t isa na ang nasibak sa serbisyo.