Caraga, Davao Oriental nilindol

Phivolcs photo

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang Davao Oriental, Linggo ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang lindol sa 57 kilometers Southeast ng Caraga bandang 7:09 ng gabi.

May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...