May-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Sy, nakalabas na ng NBI

Nakalabas na mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa mga may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Bryan Sy.

Ito ay matapos makapag-piyansa si Sy ng P72,000.

Inaresto si Sy ng NBI noong araw ng Lunes (June 10) dahil sa kasong estafa dahil sa pamemeke ng dokumento kaugnay sa ‘ghost dialysis’ scam.

Ayon kay Attorney Rowell Ilagan, nakalaya ang kaniyang kliyente na Sy bandang 10:45, Linggo ng umaga (June 16).

Read more...