Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, napagdesisyunan ito isang oras bago nagsabi ang mga kalihim patungkol sa pulong.
Bago ito, nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na pag-uusapan ng pangulo at kaniyang gabinete ang nangyaring banggaan sa mga barko ng Tsina at Pilipinas noong June 9.
Ang insidenteng ito ay nag-iwan sa 22 Filipinong mangingisda na palutang-lutang sa karagatan at isinalba ng Vietnamese fishing vessel.
Matatandaang nagsampa na ng diplomatic protest ang Pilipinas ukol sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES