Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng hapon.

Sa inilabas na datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 250 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:12 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...