Bb. Pilipinas International Bea Magtanong, kinabahan sa pagsabak sa 2018 bar exams

IG Photo

Hindi itinago ng Binibining Pilipinas Internarional 2019 at Atty. Bea Patricia Magtanong na nakaramdam siya ng kaba bago sumabak sa 2018 bar examination.

Sa kaniyang instagram story, ibinahagi ng bagong abugada na sumama ang kaniyang pakiramdam dahil sa kaba.

Hindi rin aniya nakatulong na dalawang oras lang ang kaniyang tulog bago ang pagsusulit.

Pinayuhan naman ni Magtanong ang mga kukuha ng examination sa hinaharap na matulog ng maayos upang mas maging productive sa mga gawain.

Dagdag pa niya, mahalaga rin ang magpahinga at magkaroon ng short break pagkatapos magreview.

Isa si Magtanong sa 1,800 board exam passers na nanumpa noong June 13 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Read more...