Unang misa sa Notre-Dame naidaos na; mga dumalo nagsuot ng safety hats

Naidaos na sa Notre-Dame ang unang misa matapos itong nasunog dalawang buwan na ang nakalilipas.

Dinaluhan ng isang maliit na congregation kung saan nagsuot ang mga ito ng puting safety hats habang nagmimisa.

Nais umano ng mga pinuno ng simbahan na ipakita na tuloy-tuloy ang pagbabalik sa normal ng buhay sa loob ng simbahan.

Nasa 10% na ng 850 Million Euros na ipinangakong tulong sa simbahan ang natanggap na ayon sa French government.

Ginanap ang misa sa isang chapel na hindi nadamay nangyaring sunog.

Magugunitang tinupok ng apoy ang Notre Dame noong April 15 kung saan bumagsag ang bubong at haligi ng naturang simbahan na itinuturing na architectural masterpiece.

Read more...