Magnitude 7.4 na lindol naramdaman sa New Zealand

Niyanig ng magnitude 7.4 na lindo lang hilagang bahagi ng New Zealand kaninang umaga.

Ayon sa US Geological Survey, tumama ang lindol malapit sa Kermadec Islands sa may hilagang-silangang bahagi ng bansa.

Ang sentro naman ng pagyanig ay nasa 928 kilometro hilagang-silangan sa lungsod ng Tauranga sa North Island at may lalim na 34 na kilometro.

Naglabas din ng abiso ang New Zealand civil defense organization sa possibleng banta ng tsunami ngunit binawi ito agad.

Kasalukuyan pa ring binabantayan ng samahan ang sitwasyon sa lugar.

Read more...