Pacquiao, itutuloy ang pagsasanay sa Amerika

Lumipad na papuntang Amerika si Senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos nitong itigil na ang kaniyang page-ensayo sa Pilipinas.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Pacquaio na tatapusin niya ang pagsasanay sa Wild Card Gym sa Los Angeles California bago kalabanin si Keith Thurman para sa World Boxing Association welterweight title.

Ipapapatuloy ni Pacman ang kaniyang training kasama ang kanilang longtime coach na si Freddie Roach sa nasabing gym.

Hamon naman ni Pacquiao kay Thurman na ipakita niyang malakas siya sa loob ng ring at hindi lang puro daldal.

Magaganap ang laban ng dalawa sa MGM Grand sa Las Vegas sa July 20.

Read more...