Balik-normal na ang 81 sa 82 palirapan sa buong bansa na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP matapos magsara dahil sa epekto ng bagyong ‘Nona’.
Ayon kay Danilo Abareta, CAAP Operation ang Rescue Coordination Center Area manager, nagtamo lamang ng mga ‘minor damage’ ang Daniel Z. Romualdez Airport sa Tacloban at ang mga airport terminal sa Ormoc, Calbayog, Catbalogan, Borongan, Biliran, Guiuan, Hilongos, at Maasin sa Leyte.
‘Back to normal operations’ na rin ang mga paliparan sa Legaspi, Naga, Masbate, Virac, Sorsogon, Bulan at Daet sa Camarines Norte.
Tanging ang Catarman airport na lamang aniya ang hindi pa rin nagagamit para sa ‘commercial operation’ bilang terminal sa ngayon.
Ito ay dahil sa nag-collapse ang isang bahagi ng kisame ng naturang terminal matapos maapektuhan ng bagyo.
Gayunman, nagagamit pa rin naman aniya ang runway ng paliparan kahit wala pa ring kuryente at tanging generator set pa lamang ginagamit ngayon sa naturang paliparan.
Excerpt: