Klase sa Nueva Ecija, suspendido

walang pasokNagdeklara ng class suspension ang lokal na pamahalaan ng Nueva Ecija sa lahat ng antas ngayong araw, Huwebes, December 17.

Ito’y dahil pa rin sa malakas na ulan at mga pagbaha na nararanasan sa maraming lugar sa lalawigan dulot pa rin ng epekto ng bagyong ‘Nona’.

Ayon sa Official Twitter account ng Department of Education, kanselado na rin ang klase sa Preschool at High school sa:
Angeles City Pampanga at San Fernando, Pampanga.

Nagdeklara naman ng class suspension sa Preschool sa lungsod ng Quezon ngayong araw, December 17.

Kaninang madaling-araw, itinaas ng PAGASA ang ‘red warning’ sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa malakas na buhos ng ulan at pagbaha sa ilang lugar dahil dito.

Nagbabala rin ng posibleng pagbaha sa ilan pang lugar sa Central Luzon ang ‘Project Noah’ dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa Pampanga river.

Read more...