Ayon kay AFP Western Mindanao Command spokesman Major Felimon Tan, sa Al-Barka, Basilan, dalawa ang nasawing sundalo at sampu ang nasugatan sa joint operation ng Philippine Army at Philippine Marines na nagsimula pa noong Lunes.
Aniya, base sa kanilang intelligence report, 15 bandido naman ang nasawi at pito ang nasugatan.
Samantala, sa Sulu, limang sundalo ang nasugatan nang lusubin ng may 150 Abu Sayyaf ang headquarters ng Army 32nd Infantry Battalion sa bayan ng Patikul kagabi.
Sinabi ni Brigadier General Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu, ang mga umatakeng bandido ay pinamunuan ni ASG Sr. Head Radulan Sahiron.