Ito ay dahil sa pagkakasangkot ng kumpanya sa isyu ng investment scam.
Sa inilabas na memorandum sa araw ng Huwebes (June 13), sinabi ng DILG na hindi na legal ang anumang aktibidad ng grupo matapos bawiin ng Security and Exchange Commission (SEC) ang certificate of registration ng KAPA.
Sinabi pa ng kagawaran na sinusunod lamang nito ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya.
Sa ngayon, sinabi ni Jovelyn Calvo, officer-in-charge ng DILG Cebu City, hindi pa nila natatanggap ang nasabing memorandum at wala pa ring natatanggap na direktiba mula sa DILG Regional Office sa Central Visayas (DILG-7).