Kuwaiti police na itinurong nanggahasa sa Pinay worker, kinasuhan na – DFA

Nagsampa na ng kaso laban sa Kuwaiti police na itinurong nanggahasa sa Filipina worker sa lugar.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nahaharap ang suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy sa kasong rape kung saan posible itong mapatawan ng parusang kamatayan o habang-buhay na pagkakakulong sa ilalim ng Kuwait Penal Law No. 16/1960.

Sinabi ng kagawaran na nakipagtulungan ang gobyerno ng Kuwait para sa mabilis na pag-aresto sa suspek.

Sa ngayon, nagtatrabaho ang Pinay worker sa kaniyang employer kasama ang tatlong iba pang Pinoy household service worker.

Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas na patuloy pa rin ang ibibigay na tulong-legal at iba pa sa biktima.

Read more...