Tuluyang pag-ban ng KBP sa kantang “Amatz”, ikinatuwa ng PDEA

Ikinatuwa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang hakbang na ginawa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP kaugnay sa pagpapahinto sa pagpapatugtug ng kantang amatz si Shanti Dope.

Nakasaad sa kautusan ng KBP ang pagbabawal at pagpapahinto sa pagpapatugtug ng kantang Amatz sa lahat ng radio stations sa buong bansa na sakop ng KBP.

Sumasangayon naman ang KBP na ang kantang Amatz ay talagang naglalaman at nagpro-promote ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at marijuana.

Nagpapasalamat naman si PDEA Director General Aaron N. Aquino kay KBP Chairman Herman Z. Basbaño sa naging desisyon ng KBP.

Matatandaan, noong May 29, ngayong taon, sumulat ang PDEA sa KBP para humingi ng tulong na suriin ang kanta ni Shati Dope na Amatz matapos mapanood ng PDEA ang live performance nito sa isang malaking TV station.

Sumulat din sila sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), ABS-CBN Corporation at National Telecommunications Commission (NTC) para ireklamo ang nasabing kanta.

Read more...