Bagyong ‘Onyok’, bahagyang lumakas

 

Mula sa pagasa

Bahagyang lumakas ang bagyong Onyok habang tinatahak ang pa-kanlurang direksyon.

Batay sa 11 pm PAGASA forecast, huling namataan ang mata ng bagyo sa 775 kilometro silangan ng Mati City, Davao.

May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na 19 kilometers per hour.

Bagaman bahagya itong lumakas, wala pa ring itinataas na Public Storm Warning Signal para sa bagyong Onyok.

Gayunman, pinaaalalahanan pa rin ang publiko na manatiling alerto sa lahat ng oras.

Read more...