LOOK: Kauna-unahang impounding area ng LTFRB bubuksan sa Pampanga

Nakatakdang nang buksan ang kauna-unahang impounding area ng The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office.

Nagsagawa na ng ground breaking ceremony, araw ng Biyernes (June 14) para sa impounding area na nasa Barangay La Paz, Magalang, Pampanga.

Pinangunahan nina LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra III, Department of Transportation Assistant Secretary Manuel S. Gonzales, at LTFRB Board Member Engr. Ronaldo F. Corpus ang groundbreaking.

Ayon kay Delgra, ang impounding area ay may lawak na 3.5 na ektarya

Malaking tulong ito ayon kay Delgra lalo pa at maigting ang kampanya ng Inter-Agency Council on Traffic laban sa mga colorum na sasakyan.

Read more...