Sen. De Lima pinayagang dumalo sa thanksgiving dinner ng anak niyang kakapanumpa lang bilang bagong abogado

Pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court si Senator Leila De Lima na makalabas ng kaniyang detention cell para dumalo sa thanksgiving dinner ng anak na nakapasa sa 2018 bar examinations.

Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, dalawang hukom na humahawak sa tatlong drug cases ni De Lima ang pumayag para sa ilang oras na furlough ng senadora sa Linggo (June 16).

Si Vincent Joshua Bohol ay kabilang sa mga 1,800 na bar passers na nanumpa noong Huwebes.

Noong nagtapos si Bohol sa San Beda College School of Law sa Alabang ay hindi pinayagan si De Lima na makadalo sa graduation.

Read more...