May-ari ng WellMed na si Bryan Sy hiniling sa DOJ at NBI na sya ay palayain

Humiling ang mga abogado ni Bryan Sy, co-owner ng WellMed Dialysis Center sa Quezon City na itinuturong sangkot sa ‘ghost dialysis treatment claims,’ na makalaya na ang kanilang kliyente.

Sa ipinadalang sulat kay Justice Secretary Menardo Guevarra at National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran noong Huwebes (June 13), sinabi ng mga abogado na walang ‘grounds’ sa ilalim ng anumang batas para manatili sa kulungan si Sy.

Nakasaad din sa sulat na hanggang sa araw ng Biyernes (June 14), sa paglipas ng inilaang tatlumpu’t anim na oras sa ilalim ng Article 1-2-5 ng Revised Penal Code, walang anumang impormasyon o reklamo na inihain sa mga otoridad laban kay Sy.

Dagdag pa ng mga abogado, hindi ipinaubaya ni Sy ang kaniyang karapatan sa nasabing penal code article.

Pirmado ang sulat ni Kristian Vicente Gargantial mula sa Gargantiel Ilagan & Atanente law firm.

Nagsimulang makulong si Sy nang maaresto ng NBI noong araw ng Lunes (June 10).

Nakatakda namang maglabas ang DOJ ng resolusyon sa kaso, Biyernes ng hapon.

Read more...