Sa pahayag ng PhilHealth, bukas ang lahat ng kanilang tanggapan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at nananatiling “business as usual” para paglingkuran ang mga miyembro nila.
Wala umanong dapat ipangamba ang mga PhilHealth member dahil tuluy-tuloy ang serbisyo ng kanilang 17 regional offices, 112 Local Health Insurance Offices, 67 PhilHealth Express, 22 Business Centers at 30 satellite offices.
Ang nasabing mga tanggapan ay bukas araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00am hanggang 5:00pm.
Sinabi rin ni Dr. Shirley Domingo, Vice President for Corporate Affairs Group at opisyal na tagapagsalita ng PhilHealth, tuloy ang serbisyo nila sa 1,250 ospital, 636 primary care facility, 2,654 maternity care package provider at iba pang mga pasilidad.
Para sa mga miyembro na may concern o katanungan ay maaring tumawag sa Action Center sa telepono bilang 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph