13 pulis sa Cebu sinuspinde

Pinatawan ng suspensyon ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang 13 tauhan nito mula sa iba’t ibang istasyon sa lalawigan.

Ito ay dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag gaya ng neglect of duty at iba pang iregularidad.

Sinabi ni Police Colonel Manuel Abrugena, CPPO director, habang suspendido ay hindi makatatanggap ng bonuses at allowances ang mga pulis.

Hindi naman pinangalanan ni Abrugena ang mga nasuspindeng pulis pero galing ang mga ito sa iba’t ibang himpilan sa Ginatilan, Bojoon, Alcoy, Consolacion, at Compostela.

Mayroon ding isang mula sa Provincial Personnel Holding, and Accounting Unit (PHAU).

Sasailalim sa the investigation process ang mga nasuspindeng pulis.

Ani Abrugena bahagi ito ng kanilang internal cleansing bilang tugon na rin sa mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korapsyon.

Read more...