Sa Cebu Business Month 2019 Entrepreneurs Summit, sinabi ni Lopez na ang task force ay bubuoin ng mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno para solusyunan ang investment scam.
Aniya, lumalabas kasi ngayon na walang nakatutok na opisina ng gobyerno na agarang humahawak sa mga kaso.
Ayon pa kay Lopez, kailangan pang maging aktibo ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa social media para ipaalam sa publiko ang mga babala laban sa investment scam.
Iginiit pa nito na patuloy ang paglaganap ng investment scam dahil sa kasakiman na nagdudulot sa mga tao na maniwala sa mabilis na proseso ng pagkita ng pera.
Kasunod nito, hinikayat ni Lopez ang publiko na ikonsidera ang pagkita ng pera sa pagpasok sa entrepreneurship.
Matatandaang inilunsad ng DTI ang Negosyo Centers para tulungan ang sinumang nais magsimula ng negosyo.