Security guard patay sa pamamaril sa Cebu City

Nasawi ang isang security guard makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Cebu City, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon kay Cpl. Fred Carba mula sa Mambaling Police Precinct, sakay ng kaniyang motorsiklo, binabagtas ng biktimang si Jay Fernando Cruz, 48 anyos, ang tulay sa Barangay Mambaling nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado alas 3:00 ng madaling-araw.

Tinamaan si Cruz sa kaniyang panga at tumagos ang bala sa kabilang bahagi ng kaniyang mukha.

Pinaniniwalaang papunta pa lamang si Cruz sa kaniyang trabaho nang maganap ang pamamaril.

Sa ngayon, sinabi ni Carba na ni-rereview pa ang kuha ng mga security camera sa lugar para sa imbestigasyon sa krimen.

Naghahanap din ang pulisya ng posibleng saksi sa pamamaril.

Read more...