Eddie Garcia kritikal pa rin ang kondisyon; nasa “comatose state” pa rin ayon sa Makati Medical Center

Nananatiling kritikal ang kondisyon ng aktor na si Eddie Garcia.

Sa latest medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center, nasa “comatose state” pa rin ang aktor.

Ayon sa kaniyang attending physician na si Dr. Regina Mcalintal – Canlas, dependent pa din sa ventilator at medication si Garcia para masuportahan ang kaniyang blood pressure.

Sa pahayag ng kaniyang stepson na si 1-PACMAN party-list Rep. Mikee Romero, “very, very critical” ang sitwasyon ni Garcia.

Patuloy din aniya ang paghiling nila ng panalangin para sa kaligtasan ng aktor.

Read more...