LOOK: Ilang lansangan sasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend

Magkakaroon ng road repair at reblocking sa ilang kalsada sa Maynila sa darating na weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimulang isara ang mga kukumpunihing kalsada mula 11:00, Biyernes ng gabi (June 14).

Narito ang mga apektadong kalasada:

Sa Southbound:
– EDSA bago ang Aurora Boulevard at Aurora Boulevard hanggang Arayat
– EDSA Magallanes sa Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes at Alabang Bus Stop
– Katipunan bago ang Aurora Flyover

Sa Northbound naman:
– EDSA bago ang General Roxas Avenue hanggang Aurora Boulevard
– C5 Road sa harap ng SM Aura

Muling bubuksan ang mga nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng umaga (June 17).

Nag-abiso naman ang MMDA sa mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Read more...