Nagpalabas ng Business Closure Order ang pamahalaang panglungsod at isinilbi ito sa naturang establisyimento nina Ret. Police Colonel Andres Baccay ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, at BFP.
Ayon sa Tuguegarao City Information Office, walang business permit at sanitary permit ang establisyimento.
May mga reklamo din na natanggap ang Mayor’s office na marumi at mabaho ang gawaan ng taho dahil may katabi itong kulungan ng baboy at palikuran.
Sinabi ni Baccay na papanagutin ang may-ari ng kumpanya dahil sa paglabag sa mga umiiral na batas.
Magsisilbi rin aniya itong aral sa iba pang negosyante para iparehistro at panatilihing malinis ang operasyon kanilang negosyo lalo na kung may kaugnayan sa pagkain.