Sa isang pahayag ng kalihim sinabi nito na matagal nang isyu ang umano’y maling paggamit sa OWWA funds.
Katunayan ay naibasura na anya ng ito Office of the Ombudsman noon pang 2012 at mayroon nang pinal na desisyon dito ang Supreme Court noon pang 2013 dahil walang nakitang sapat na ebidensya.
Ani Duque, noong sumalang siya sa confirmation hearing taong 2010 bilang chairmang ng Civil Service Commission ay naungkat na ang usapin.
Noong panahon na iyon ay nagkasundoa aniya ang Commission on Appointments o CA kung saan bahagi din si Sen. Panfilo Lacson na walang basehan ang mga akusasyon laban sa kanya patungkol sa OWWA funds.
Kasabay nito, umapela si Duque na suriin muna ang mga alegasyon bago ilahad sa publiko.
Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na sangkot din ang kalihim sa isa pang kontrobersiya 15-taon na ang nakararaan.