Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jaqueline Ann De Guia, bukod sa protesta kailangan ding gumawa ng hakbang ang gobyerno upang maprotektahan ang karapatan ng mga Filipino sa lupa man o sa dagat.
Ang paggiit ayon kay De Guia sa soberanya ng bansa at karapatan sa Recto Bank na bahagi ng West Philippine Sea ay kailangan upang makinabang ng husto ang mga mangingisdang Pinoy sa mga yaman na nasa Recto Bank na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa.
Paliwanag nito, hindi lamang ang pag-exercise sa karapatan ng mga mamamayan ang makukuha ng bansa sa paggiit sa soberanya sa West Philippine Sea.
Bagkus ito anya ay magiging gabay din sa ibang bansa upang igalang ang soberanya ng at International Political Status ng Pilipinas.
Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkundena ang CHR sa ginawa ng barko ng China kung saan iniwan na palutang-lutang sa laot ang nasa 22 mangingisdang Pinoy.