VIRAL: 75 anyos na lolo na college student sa Pangasinan

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang 75 anyos na lolo na college student sa PHINMA University of Pangasinan sa Dagupan City.

Sa Facebook post ng netizen na si Christian Monses, ibinahagi nito ang larawan ni lolo Benjamin Naoe na isang Political Science student.

Ayon kay Monses, talagang hindi hadlang ang edad sa pagkamit ng degree.

Na-inspire umano siya ng makilala si ‘Lolo’ na aniya ay nananatiling energetic at masayahin sa kabila ng edad.

Katunayan, umaakyat pa aniya si Lolo Benjamin sa 3rd floor ng paaralan gamit ang hagdan.

Umabot na sa mahigit 11,000 ang reactions at 6,000 ang shares ng naturang post.

Read more...