Kawhi Leonard itinanghal na MVP sa NBA Finals

Si Toronto Raptors forward Kawhi Leonard ang itinanghal na Most Valuable Player (MVP) sa NBA Finals.

Ito na ang ikalawang taon na naigawad ang MVP title kay Leonard na nakuha niya rin noong 2014 para sa koponang San Antonio Spurs.

Dahil sa pagkakapanalo ng Raptors kontra Golden State Warriors sa NBA Championship ay nakapagtala rin ng panibagong record si Leonard.

Kahanay na ni Leonard sina LeBron James at Kareem Abdul-Jabbar na mga manlalarong nakuha ang MVP title sa NBA dinals sa dalawang magkaibang koponan.

Read more...