Revilla gumastos ng P121.9M noong nagdaang eleksyon; Lakas-CMD nag-donate ng P95M sa senador

Nag-ambag ng P95 million ang political party na Lakas-CMD sa kampanya ni senator-elect Bong Revilla.

Sa isinumiteng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) ni Revilla sa Comelec, nakasaad na P115.6 million ang nataganggap niyang campaign contribution, in-kind at cash.

Sa nasabing halaga, P95 million ay mula sa Lakas-CMD at mayroon pang P14.2 million na cash mula sa iba pang contributors at P5.52 million na in-kind contributions.

Gumastos naman si Revilla ng P6.37 million na mula sa kanyang personal na pera.

Sa kabuuan, umabot sa P121.9 million ang ginastos ni Revilla noong nagdaang eleksyon.

Read more...