Ibinasura ng Sandiganbayan 5th division ang inihaing demurrer to evidence ni dating Senador Jinggoy Estrada kaugnay sa kaso niyang plunder.
Ang kaso ay may kaugnayan sa dahil sa pork barrel scam sangkot din ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Sa resolusyon ng anti-graft court, sinabi nitong mayroong sapat na ebidensya upang ma-establish ang kaso ng dating senador.
Kabilang na dito ang mga pahayag ng mga testigo at mga dokumento na iprinisinta sa korte.
Sa ilalim ng Rules on Criminal Procedure ang Demurrer to Evidence ay inihahain ng akusado upang maibasura ang kaso laban sa kanya kapag natapos nang magprisinta ng ebidenysa ang prosekusyon.
Kapag hindi napagbigyan ang Demurrer to Evidence bibigyan ng pagkakataon ang depensa na magprisinta ng kanyang sariling ebidensya.