LP senatorial bet Mar Roxas gumastos ng halos P180M sa katatapos na eleksyon

Gumastos si Liberal Party Senatorial candidate Mar Roxas ng halos P180,000,000 noong nakaraang May 13 midterm elections.

Ito’y base sa isinumiteng Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) ni Roxas sa Commission on Elections (Comelec).

Base sa dokumento gumastos si Roxas ng kabuuang P179,193,153.04 kung saan nasa P12-milyon ay mula sa kanyang personal funds habang ang nasa P167, 050,000 ay galing naman sa mga kontribusyon para sa kanyang kampanya.

Si reelected Senator Cynthia Villar ay galing naman sa sarili niyang bulsa ang nasa P135,529,061.69 na ginastos sa kanyang kampanya. Hindi rin umano siya nakatanggap ng anumang kontribusyon.

Mayroon namang pinaka-malaking kontribusyon na natanggap si dating Special Assistant to the Presidente Christopher “Bong” Go na umabot ng P161,418,299.31.

Sina Villar at Go ay kasama sa limang nanalong senador na nakapagsumite ng kanilang campaign contributions.

Ayon kay Comelec Campaign Finance Office (CFO) officer-in-charge Efraim Bag-id pito lamang sa 12 nanalong senador ang nakapagsumite ng SOCE bago ang deadline kahapon at may kabuuang 28 sa 63 senatorial candidates.

Sa mga party-list groups naman ay nasa 91 lamang ang naghain ng SOCE mula sa kabuuang 134 na tumakbo sa katatapos na halalan.

Ilan pa sa mga nanalong senador ang na nakapagsumite ng SOCE sina :

– Senator-elect Francis Tolentino (P159,169,836.54)
– Reelected Senator Grace Poe (P156,433,463.80)
– Senator-elect Ramon Revilla, Jr. (P121,952,358.54)
– Senator-elect Pia Cayetano (P75,200,000)
– Reelected Senator Nancy Binay (P56,785,472.82)

Read more...