Tanggapan ng LTO sa mga mall bukas na kapag Sabado

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na magbubukas na ang kanilang mga opisina sa mga mall kahit araw ng Sabado.

Ito ay para mas maging madali ang pagre-renew ng driver’s license.

Sa memorandum circular na nilagdaan ni LTO chief, Assistant Sec. Edgar Galvante, simula ngayong buwan bukas na ang mga LTO office sa mga mall sa buong bansa kapag Sabado.

Iniatasan ang lahat ng Driver’s License Renewal Offices o DLRO sa mga mall na tiyaking sila ay mag-ooperate at magpoproseso ng renewal at student permits kada Sabado.

Bago ito naglabas din ng memorandum ang LTO kung saan pinapayagan na ang mga driver na mag-renew ng kanilang lisensya, 2-buwan o 60-araw bago ang expiration date nito.

Read more...