Instagram nagkaproblema, ilang oras na hindi na-access ng netizens

Nakaranas ng problema ang photo at video-sharing app na Instagram.

Ilang oras itong hindi na-access ng netizens, Biyernes (June 14) ng umaga.

Gamit ang Twitter, nagpaliwanag ang Instagram at sinabing batid nila na marami ang nahihirapang maka-access sa kanilang IG accounts.

Ginamitan pa ito ng hashtag na #instagramdown.

Pasa alas 8:00 ng umaga nang muling mag-tweet ang Instagram at sinabing naayos na nila ang problema.

Hindi naman ipinaliwanag kung ano ang dahilan ng aberya.

Humingi din ito ng paumanhin sa IG users.

Read more...