LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 14

Bumaba pa sa 163-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, ngayong Biyernes (June 14) ng umaga ay nasa 163.66 meters ang water level sa Angat dam.

Mas bumaba pa ito kumpara sa 164.02 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Ang La Mesa dam naman ay nasa 68.54 meters ang water level nabawasan din kumpara sa 68.57 meters kahapon.

Ang Ipo dam naman ay bahagyang nadagdagan at ngayon ay nasa 101.03 meters ang water level.

Nadagdagan din ng kaunti ang water level ng Ambuklao, Binga, at San Roque dam.

Habang nabawasan naman ang water level ng Pantabangan, Magat at Caliraya dam.

Read more...