NWRB inaprubahan ang dagdag na suplay ng tubig para sa MWSS ngayong buwan ng Hunyo

By Jong Manlapaz June 14, 2019 - 08:20 AM

Inaprubahan na ng National Water Resources Board ang alokasyon na 46 Cubic meters per second mula sa Angat Dam na katumbas ng four million liters per day allocation para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa buwan ng Hunyo.

Hindi rin anila nakatulong sa water elevation ng Angat Dam ang mga pag ulan sa nakalipas na araw bagkus araw-araw pang bumababa ang level ng tubig.

Base sa forecast ng PAGASA, asahan raw ang rainy season sa ikalawa o ikatlong linggo ng hunyo at mararanasan sa northern part ng bansa kabilang ang Bulacan area kung saan matatagpuan ang dam.

Gayunman kung ang water level ay magpapatuloy sa pagbaba ngayong buwan ng hunyo, may operational measures ng nabuo ang Angat Technical Working Group na titiyak na mamentina ang paglalabas ng 46 cubic meters per second na supply ng tubig.

Tinitiyak ng NWRB, na sasapat pa ang supply ng tubig sa metro manila kahit na ang water elevation sa Angat ay bumaba pa sa 160 meters elevation.

Base pa rin sa kasalukuyang sitwasyon at climate projections, may sapat pang supply na tubig hanggang pagsapit ng panahon ng tag ulan

Sinuspendi na rin ng NWRB ang alokasyon para sa irigasyon.

TAGS: Angat Dam, la mesa dam, mwss, NWRB, Water supply, Angat Dam, la mesa dam, mwss, NWRB, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.