Davao Oriental, Davao Occidental at Masbate niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Caraga sa Davao Oriental.

Naitala ang lindol alas 12:14 ng madaling araw kanina (June 14) sa 63 kilometers southeast ng caraga.

3 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ala 1:19 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.0 na lindol sa Pio V. Cruz sa Masbate.

Naitala naman ang epicenter ng pagyanig sa 7 kilometers northeast ng Pio V. Cruz at may lalim na 7 kilometers.

Alas 3:32 naman ng madaling araw nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na lindol sa Malita, Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa 5 kilometers northeast ng Malita at may lalim na 207 kilometers.

Ang mga pagyanig ay hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.

Read more...