Senior Citizen patay sa pamamaril sa Malabon

Nasawi ang isang lalaki makaraang pagbabarilin sa labas ng kaniyang bahay sa Malabon City.

Nakilala ang biktima na si Jaime Torrelino, 62 anyos na nagnenegosyo ng isda sa Navotas Fish Port.

Ayon sa misis ng biktima na si Marrietta, nakarinig siya ng dalawang putok ng baril at nakita na lamang na nakabulagta na ang mister.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso ng pananambang.

Sinabi ni Marietta na wala naman siyang alam na may atraso o may nakaaway ang kaniyang mister.

Read more...