Halos P7M halaga ng shabu nakumpiska sa Las Piñas

Credit: PNP-Special Operations Unit 3

Nasabat ng pulisya ang halos P7 milyong halaga ng shabu mula sa isang mag-live-in partner sa Talon 5, Las Piñas.

Ayon sa PNP-Special Operations Unit 3, ikinasa ang buy-bust operation laban sa isang 42-anyos na tricycle driver na miyembro umano ng isang big-time drug syndicate.

Damay din sa operasyon ang kanyang 26-anyos na kanyang kasintahan.

Nakumpiska mula sa magkasintahan ang isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

May operasyon umano ang sindikato sa National Capital Region, Region 4 at Bicol Region.

Samsampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

Read more...