Oil tankers inatake at iniwang lumulutang sa Gulf of Oman

Reuters photo

Inatake at iniwang lumulutang sa Gulf of Oman ang dalawang oil tankers na pinangangambahang magreresulta sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Dahil sa pangyayari ay nakaamba rin ang posibleng bagong tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Ayon sa White House, alam na ni Pres. Donald Trump ang pangyayari.

Ang insidente ay matapos na akusahan ng Washington ang Tehran na umanoy nasa likod ng parehong pag-atake noong May 12 kung saan apat na oil tankers ang pinasabog sa parehong lugar na isang mahalagang ruta para sa oil shipping.

Nabatid na inabanduna ng crew ng Norwegian-owned Front Altair ang barko sa karagatan sa pagitan ng Gulf Arab states at Iran matapos ang pagsabog na umanoy galing sa isang magnetic mine.

Habang ang pangalawang barko ay isang Japanese-owned tanker na tinamaan ng hinihinalang torpedo.

 

Read more...