Sa talumpati sa General Santos City, araw ng Huwebes, sinabi ng pangulo na agaran ang pagpapahinto sa operasyon ng religious corporation.
“Those who have already spent a lot of money on Kapa, I’m sorry. The operation will stop or shall stop immediately,” ayon sa pangulo.
Kasabay nito, nagbabala si Duterte sa mga Filipino na huwag magpaniwala sa mga investments na anya’y ‘too good to be true.’
Ang bagong pahayag ng pangulo laban sa Kapa ay ilang oras lamang matapos ang prayer rally ng libu-libong miyembro ng grupo sa isa ring bahagi ng General Santos City.
Iginiit ni Rene Catubigan, official lecturer ng sekta, na hindi nila sinasalungat ang presidente at ipinananawagan lamang nila na huwag silang ipasara.
Hindi naman nakadalo ang founder ng Kapa na si Pastor Joel Apolinario sa pagtitipon at ipinabatid lamang nito ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng telepono.
Mabuti anyang hindi muna siya maaresto dahil baka magkaroon lamang ng kaguluhan.
Hindi rin anya hihinto ang grupo sa pananalangin at pakikiusap sa pangulo.