Sa ceremonial distribution sa General Santos City, ipinagkaloob sa 13,585 agrarian reform beneficiaries ang aabot sa 12,548 na Certificates of Land Ownership Award (CLOA).
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking distribusyon ng lupain ng gobyerno sa ilalim ng Comprehensive Land Reform Program.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na makatutulong ang mga lupa para sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.
“Stick to the land, pananom mo. Makahatag sa inyo na’g panginabuhi. Maski’g gamay ra gud,” ani Duterte.
Pabiro namang binalaan ng pangulo ang mga benepisyaryo sa pagbebenta ng lupa para lamang ipang-kapital sa Kapa Community Ministry na nauna niya nang ipinag-utos na ipasara.
Ipatatawag niya anya ang mga magbebenta ng kanilang lupa at makatatanggap ng mga sapak mula sa kanya.
“Kanang naa ko’y tambag. Hinay-hinay na’g baligya para ikapital sa KAPA. Sige. Sige iprenda kay ugma ipatawag ta mo’g usab kay palinyahon ta mo ngari. Sumbag ang inyong madawat nako. Babae’g lalaki,” biro ng pangulo.